Saturday, July 5, 2008
ANAK (Child) - Freddie Aguilar (Original Version)
Anak (Child)
Nang isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka na Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"
At ang iyong mata'y biglang lumuha ng di mo pinapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y Nalaman mong ika'y nagkamali
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment